(English Translation)
Official Statement of the ICP Regarding Viral "Do-It-Yourself" Disinfectants on Social Media
Over the past few days, some proposals have appeared on social media suggesting ways by which people can prepare their own hand disinfectant solutions using industrial chemicals, such as denatured alcohol, hypochlorite, and others.
The Integrated Chemists of the Philippines (ICP) discourages such practices because these can cause harm and may not be suitable for the intended use.
• Industrial chemicals are often very concentrated and require professional handling with personal protective equipment.
• Industrial chemicals are not meant for human use and may contain impurities which are harmful or carcinogenic.
(Pagsasalin sa Filipino)
Opisyal na Pahayag ng ICP Hinggil sa Kumakalat na "Do-It-Yourself" na mga Panlinis sa Social Media
Nitong nakaraang mga araw, lumabas ang ilang mga post sa social media na naglalahad kung paano magtimpla ang isang tao ng kani-kanilang mga disinfectant solution na ginagamitan ng mga kemikal na nakalaan lamang sa industriya, tulad ng denatured alcohol, hypochlorite, at iba pa.
Hindi hinihikayat ng Integrated Chemists of the Philippines (ICP) ang mga naturang panukala dahil maaari pa itong makasama sa kalusugan ng sinumang gagamit nito at maaaring hindi rin ito angkop para sa sinasabing paggagamitan.
• Ang mga kemikal na pang-industriya ay kalimitang sobrang matapang at kinakailangang bihasa ang tao na gagamit nito na may sapat na pananggalang.
• Ang mga kemikal na pang-industriya ay hindi nakalaan para gamitin sa tao, at maaari pang may nilalamang makapipinsala ng katawan o maging sanhi ng malubhang karamdaman tulad ng kanser.