(English Translation)
Official Statement of the Integrated Chemists of the Philippines (ICP) Regarding the Preparation of Disinfectants and Other Chemicals
Many individuals, including chemists, have taken the initiative to assist in COVID-19 efforts by preparing alcohol and other disinfectant products. While we support your initiative, we, as chemists, have a special responsibility to ensure that the solutions that we prepare meet the right specifications that ensure their efficacy and safety. In particular:
• Regarding ethanol and isopropanol: from analytical data that we have obtained by gas chromatography (GC), many of the technical grade ethanol and isopropanol products sold by chemical suppliers may contain high levels of methanol or are below the claimed concentration. You should obtain your alcohols from reliable sources only. If in doubt, have the raw material analyzed by GC or ask for a certificate of analysis.
• Hypochlorite is an industrial product and may contain impurities. It may be adulterated by unscrupulous dealers. There are standard methods of chemical analysis for hypochlorite. Also, ensure that your product is used to disinfect objects and is not used on people.
• Consult only reliable sources for technical information and observe restrictions set by the World Health Organization (WHO) and relevant Philippine government agencies.
(Pagsasalin sa Filipino)
Opisyal na Pahayag ng ICP Tungkol sa Pagtimpla ng Mga Disinfectant at Iba Pang Produkto
May mga tao, kabilang ang ilang mga kimiko, na kusang umaalalay sa ilang mga pagsisikap upang labanan ang COVID-19 sa pamamagitan ng pagtimpla ng rubbing alcohol at iba pang produkto na makapupuksa ng mikrobyo. Habang sinusuportahan namin ang mga hangaring ito, kami, bilang mga kimiko, ay may natatanging tungkulin upang masiguro na ang tinitimpla naming mga produkto ay tugma sa itinakdang antas ng bisa at ligtas ring gamitin.
• Tungkol sa ethyl alcohol at isopropyl alcohol: Mula sa datos na nakalap namin gamit ang gas chromatography (GC), karamihan sa mga technical grade na ethanol at isopropanol na binebenta ng mga chemical supplier ay naglalaman ng mataas na antas ng methanol o kaya'y hindi man lang umabot sa isinaad na tapang. Upang maiwasan ito, siguruhing maaasahan ang inyong pagkukuhanan. Kung kaduda-duda ang iyong nabiling produkto, ipasuri ito gamit ang GC o humingi ng certificate of analysis.
• Ang hypochlorite ay isang kemikal na ginagamit sa industriya at maaaring naglalaman ito ng karumihan. Maaaring pang maglagay ng mga hindi kanais-nais na sangkap ang mga nagbebenta nito upang makalinlang. Mayroong mga tamang pamamaraan upang masuri ang kalidad ng hypochlorite. Siguruhin din na ang mga produktong naglalaman nito ay nakalaan lamang gamiting panlinis ng mga bagay, at hindi ng mga tao.
• Sumangguni lamang sa maaasahang mga pagkukunan ng impormasyon tungkol dito at sunding mabuti ang mga inilahad na utos ng WHO at mga angkop na ahensya ng pamahalaan.